Zonta Club of Cebu II Poetry Competition, 2022

Poetry is a form of literature that uses aesthetic and rhythmic qualities of language-such as phonaesthetics, sound symbolism, and meter-to evoke meanings in addition to, or in place of, the prosaic ostensible meaning. (Poetry, 2013a; Poetry, 2013b; Poetry, n.d.); (Literary Arts and Poetry, Selected Readings)

The advocates, of the campaign for a world that’s free from oppression and abuse, have used every form of medium and means of communication to evoke awareness and action. We have done webinars, face-to-face lectures, photography competition, paintings exhibits, a song about “women unite”, newspaper publications, facebook, blogs.

In the 2022 celebration of the 18 Days of Activism to Say No To Gender-based Violence, Zonta Club of Cebu II ventured to use poetry as a means of expressing the theme “Violence Against Women: It Stops With Me”, through a poetry competition.

With proper guidelines accessed on the club’s facebook page, the response from poets, aged 20 to 50 years and older was a very satisfactory 80 plus submissions, mostly in Tagalog.

The judges were chosen from among the best in the circle of the Cebu literati.

“ROSA”
1st Place Category C (Jean B. De Leon)

Sa tuwing suot na ang takong ay napaka-makapangyarihan
Isama pa ang pulang “lipstick”na itinago sa damitan,
Kaya’t sinong hindi mapapatingin at mamamangha?
Mababanaag pa ang ngiting naka kurba sa mukha
Ngunit sa likod ng maaliwalas na imahe ay may nakatago
Na siyang naging dahilan ng unti-unting pagbabago,
Kanyag isiniwalat ang mapapait na karanasan
Mga ala-alang ayaw niya nang balikan

Isinadlak sa pader,iginapos sa kama
Itinaob mga kasangkapan nang walang nadatnan sa mesa,
Mga ipinaranas sa kanya ng dating kinakasama
Hindi maayos ang naging buhay may asawa
Nagkaroon ng pagkakataon at siya’y nakatakas
Sa matinding pang-aabuso ay tuluyang naka-alpas,
At sa tamang awtoridad ay kanyang ibinulalas
Kaya dating asawa’y humihimas ngayon ng rehas
Payo niya sa kababaihan ay huwag maduduwag
Labanan ang mga sungay na patuloy na nanunuwag,
Proteksyon sa kababaihan at pagkaka pantay-pantay
Kanyang ipinaglaban at laging isinasabuhay

Sa paglipas ng panahon ,siya ay nakilala
Dahil sa kanyang isinusulong na adbokasiya
Nga pala, sa mga hindi pa nakakakilala
Siya si Rosa na laging naka pulang blusa.

Ibang-Iba, Ibang Eba!
1st Place Category B (Lloyd Ericson Rodriguez)

Sadyang ako ay namangha noong akin nang matanaw,
Kay gandang hugis at kislap ng kanyang mga balintataw.
Wala na yaring piring na bumulag sa kanyang pananaw,
Nanumbalik na dating ningning, tila mga bituing tanglaw.
Buti na lang…
Hindi ako nagbulag-bulagan.

Sadyang ako ay nahalina noong akin nang madinig,
Sigla ng kanyang halakhak at lambing ng kanyang tinig.
Wala na yaring busal na isiniksik sa munti niyang bibig,
At ngayon naisasaliw na sa hangin ang kanyang mga himig.

Buti na lang…

Hindi ako nagbingi-bingihan.
O sadyang ako ay napahanga sa yuming kanyang taglay,
Sa pasasalamat ay taos-pusong hinagkan niya pa aking kamay.
Wala na yaring mga pasa at sugat sa mga natamong latay,
Mga marka na ng pagbangon; isa na siyang bukang liwayway.
Buti na lang…

Hindi ako nagtanga-tangahan.

O sadyang nakagagalak na masaksihan muling pagtindig,
Yaring karilagang una kong namataang nakakadena ‘gang bisig.
Wala na yaring kalapastanganang sa mundo niya ay yumanig,
Bagkus ay pag-asa at dignidad muli sa pagkatao niya’y pumipintig.
Buti na lang…

At talagang buti na lang…
Nagkalakas-loob akong makialam.

Signos: Ang Mitsa ng Pagtatapos
1st Place Category A (Kristienne Andrei Aden)

Sa ilang milenyang panggagahasa sa karapatan ng kababaihan,
Bunsod ng dinemonyong kamao at kalapastanganan,

Bumulwak ang hiraya sa kulay-ubeng laman,
Nang iluwal ng kasalukuyan ang modernisadong kamalayan:

‘Wag na ‘wag sisikmurain ang karahasan mula sa kalalakihan,
Ito’y isang krimen — ‘di dapat kunsintihin, bagkus isakdal at panagutin.

Ako, ikaw, tayo, ang hudyat na kikitil sa dangtaong kalupitan.
Itanim sa tahanan ang boses ng katarungan.

POETRY COMPETITION WINNERS

CATEGORY A
(Age 20 years and younger)

  • 1st Place – Kristienne Andrei Aden
  • 2nd Place – Gella J. Aboratigue
  • 3rd Place – Daffney Jyles Nudalo

CATEGORY B
(Age 21 to 49 years)

  • 1st Place – Lloyd Ericson Rodriguez
  • 2nd Place – Mark Kevin Solbita
  • 3rd Place – Joshua Mirabuna

CATEGORY C
(Age 50 Years and older)

  • 1st Place – Jean B. De Leon
  • 2nd Place – Wilfredo Cañete, Jr.
  • 3rd Place – Cecilia T. Besares

JUDGES OF THE COMPETITION

Dr. Hope Sabanpan-Yu
Director of the Cebuano Studies Center, since 2011 up to the present; appointed Chair of the Division of the Humanities of the National Research Council of the Philippines in 2019.

Professor Januar Yap
Januar Yap currently teaches at the University of the Philippines Cebu, College of Communication, Art and Design. He is well-acknowledged for his works of fiction, narrative films, and documentary films, having won three times in the Cebuano short story category of the Don Carlos Memorial Awards for Literature.
He is also the Opinion Editor for SunStar Cebu

Professor Ralph Semino Galán
Ralph Galan is a poet, literary and cultural critic, translator and editor, and is the Assistant Director of the UST Center for Creative Writing and Literary Studies. He is an Associate Professor of Literature, the Humanities and Creative Writing in the UST Faculty of Arts and Letters and the UST Graduate School.